RELIHIYON- ay ang sistema ng paniniwala at mga gawain na nalinang sa pakikipag-ugnayan ng tao sa lumikha. Ang pananampalataya na ito ay mahalaga sa buhay ng tao dahil sa ito ay nagiging gabay ng tao sa kanyang kilos, ugali at pamumuhay. Ito ay ginagamit niyang paraam upang maipaliwanag ang misteryo ng mundo at sangkatauhan.
Katolisismo
Ang salitang Katolisismo ay may dalawang eklestiyastikal na kahulugan ayon sa talatinigang Webster , una ay ang buong Ortodoks ng Kristiyanong Simbahan o ang pagsunod dito, at pangalawa, ang mga doktrina na paniniwalaan ng Simbahang Romano Katoliko o ang pagsunod dito.
Ang salitang ito ay hango sa salitang Griyegong καθολικός -ή -όν (katholikos), nangangahulugan ng "pangkalahatan" o "unibersal". Sa Griyego, ang salita para sa simbahan ay gumagamit ng pambabaeng porma ng pang-uri ἡ Καθολικὴ Ἐκκλησία.

Islam
al-islām), "pagsuko (sa kalooban ng Diyos)" ay isang الإسلام; Islam (Arabiko: pananampalatayang monoteismo at ang ikalawang pinakamalaking relihiyon sa mundo. Isang Abrahamikong relihiyon ang Islam, kasama ang Kristiyanismo at Hudaismo, kaya't malapit na kamag-anak ito ng dalawang huling pananampalataya.[1] Naniniwala ang mga tagasunod, kilala bilang mga Muslim[2], na ipinahayag ng Diyos (Allah sa Arabo) ang kanyang banal na salita diretso sa sangkatauhan sa pamamagitan ng maraming mga naunang mga propeta, at ni Muhammad na siyang huling propeta ng Islam.
Kristiyanismo
Ang Kristiyanismo ay isang relihiyong monoteista (naniniwala sa iisang Diyos lamang) na nakabatay sa buhay at turo ni Hesus ng Naẕrat ayon sa isinulat ng kanyang mga tagapagsunod sa Bagong Tipan. Pinaniniwalaan ng mga Kristiyano na si Hesus ay ang anak ng Diyos at ang Mesias na pinaghulaan ng mga sugo sa Lumang Tipan. Ang Bagong Tipan ng Bibliya ay tinitingnan bilang tala ng Ebanghelyong ipinahayag ni Hesus. Ito ay ang pinakamalaking pananampalataya sa buong daidig na may higit kumulang sa 2.1 bilyong taong kasapi nito. Sa kasulukuyan, ito ay malakas sa Europa, mga Amerika, Katimugang Afrika, ang Pilipinas at sa Oceania at tumutubo na sa Asya, lalo na sa Tsina at Timog Korea
Nagsimula ang Kristiyanismo bilang sangang-katulad ng Judaismo at kasama ang Bibliang Hebreo bilang Lumang Tipan sa mga banal na Kasulatan nito. Tulad ng Judaismo at Islam, itinatalaga ang Kristiyanismo bilang isang Pananampalatayang Abrahamiko. Ang relihiyong ito ay itinayo ni Kristo sa Israel. Ngunit maraming mga sanga ang relihiyong ito, lahat ng mga kasapi rito ay naniniwala sa Diyos.
Isa sa mga pinakakilalang mga sagisag ng Kristiyanismo ay ang krus, kasama rin ng isda, o "Icthys" kung tawagin.

Hainismo
Ang Hainismo (mula sa Ingles na Jainism) o Jain Dharma (जैन धर्म) ay isa sa mga matatandang relihiyon sa mundo na nagmula pa sa Antigong India. Ang nagtatag ng Hainismo ay si Vardhamana na kilala bilang Mahāvirā 599-527 B.C.) na sa edad na 30 ay nagwaksi ng kanyang pamilya at naging asetiko. Sa loob ng 12 taon, naging aktibo siya sa paghahanap ng katotohanan at lubos na nakapagtamo ng kamulatan habang nagninilay-nilay. Itinuro niyang ang lahat ng bagay sa daigdig, materyal man o hindi, ay may kaluluwa. Ang pagdadalisay ng kaluluwa ang layunin ng eksistensya, sapagkat ang dalisay na kaluluwa, minsang mapalaya mula sa katawan, ay makapamumuyhay sa walang-hanggang kaluwalhatian at malaya magpakailanman. Ang kadalisayan ay matatamo sa pamamagitan ng kaalaman at balanseng buhay. Itinaguyod din ng relihiyong Jainismo ang sukdol na asetismo, pag-aayuno, yoga at iba pang awsteridad para sa layuning pagninilay-nilay o meditasyon. May limang panata ang sinusunod ng mga Hain (binabaybay na Jain sa Ingles:
karalitaan (Aparigraha)
kabirhenan (Brahmacharya)
katapatan (Asteya)
katotohanan (Satya)
kawalang-karahasan (ahimsa)
Ang panata sa kawalang-karahasan (ahimsa) ay siyang tunay na obsesyon ng mga Hain. Nagmamaskara sila para takpan ang bibig at ilong upang maiwasan ang di-kinukusang paglanghap sa maliliit na insekto.

Taoismo
Ang Taoismo, mula Tsinong Daojiao 道教 (binibigkas dào (tulong·impormasyon) jiào (tulong·impormasyon)), ay tumutukoy sa iba't ibang magkakaugnay na pang-pilosopiya at pang-relihiyon na mga tradisyon at kaisipan. Naimpluwensiyahan ang Silangang Asya ng mga tradisyon na ito sa loob ng dalawang libong taon at lumaganap sa Kanluran.[1] Nangangahulugan ang salitang 道, Tao (o Dao, depende sa iskima ng romanisasyon) bilang "landas" o "daan", bagaman may mga ibang basal na kahulugan ito sa ibang pambayang relihiyong Tsino at pilosopiya. Binibigyan din ng kagandahang-asal at etika ng Taoismo ang Tatlong Hiyas ng Tao: pagkahabag, patitimpi, at kababaang-loob. Pangkalahatang nakatuon ang kaisipang Taoista sa kalikasan, kaisahan ng mga tao-kosmos (天人相应), kalusugan, mahabang buhay, wu wei (aksyon sa pamamagitan ng walang aksyon), kalayaan, kawalang-kamatayan at pagka-kusang-loob.
Ang Pangalang Taoism ay nagmula sa tao, salitang Tsino na ang ibig sabihin “ang daan”. Naniniwala ang Taoist na pinakamahalagang mamuhay sa natural na pamamaraan. Ang tao ay dapat umayon sa kalikasan. Ang mga paghihirap, pagdurusa, sakit at problema ng tao ay resulta ng di pagsunod sa paraan ng kalikasan.
Ang tao ay maihahalintulad sa “isang bagay na walang hugis at porma”. Ang mga karagatan at ilog ay kinalalagyan. Kaya makapangyarihan ang tao dahil mapagkumbaba ito. Ang tao rin ang nagbibigay ng pwersa sa lahat ng nilalang.

Hinduismo
Bhuddismo
> Ang Buddhismo ay itinuturing na isang reaksyon sa Hinduismo at sa mga aral nito, dahil sa maraming pagbabagong isinigaw ni Guatama Buddha Siddharta batay sa kanyang pagninilay.
> Ang mga turo at aral ng Buddhismo ay nag-uugat sa kanilang kaharian upang iwanan ang marangyang buhay ng isang prinsipe tungo sa kanyang paghahanap ng kahulugan ng buhay. ang apat na paltandaan na ito ang: matanga, susunuging patay, maysakit at pulubi na kanyang nakita, ang nagtulak upang hanapin niya ang daan tungo sa katotohanan
> Kanyang nabuo ang Apat na Marangal na Katotohanan:
1. ang buhay ay puno ng pagdurusa
2. ang pagdurusa ay ang-uugat sa pagnanasa
3. upang mawala ang pagdurusa, alisin ang pagnanasa upang marating ang Nirvana
4. ang paraan ng pag-alis ng pagdurusang ito ay ang pagsasabuhay ng Walong Luping Daan
> ang Buddhismo ay natuturo ng buhay na balanse at may moderasyon na makikita sa Walong Luping daan: Wastong pagkaunawa, wastong pananalita, wastong paraan ng pagpupursigi o pagsisikap, wastong kamulatan , wastong pagninilay, wastong paghahanpbuhay, wastong layunin, wastong pag-uugali
> Hindi natalakay ni Buddha ang ukol sa diyos at binigyang diin niya ang kahalagahan ng mabuting pamumuhay. Hindi siya naniniwala sa sistemang caste at itinuturing niya na pantay-pantay ang tao. ang nirvana para kay Buddha ay mararating sa kasalukuyang pamumuhay at maaaring maalis ang kahirapan at kalungkutan, kailangan lamang na may pagkukusa ang isang indibidwas na gawin ang pagbabagong ito. Naniniwala rin siya sa karma bilang kabuuan ng ginawa mo sa buhay na ito. Ang dharma ay mahalga rin sa kanya. Naniniwala siya na ang tao ay may tungkulin para sa lipunan.
- Ang mga sulating aral ni Buddha o sutras ay patuloy na binabasa ng mga tagsunod ng Buddhismo upang maging gabay sa kanilang paghahanap ng kaligtasan at kapayapaan.

Bhuddismo (Hapon)
maituturing na pinaka modernong bansa ang japan subalit napanatili nito ang impluwensya ng relihiyon sa kanilang tradisyon. Ituturo pa rin sa mga haponesa ang pagsusuot tradisyunal na damit na kimono at obi, ang detalyadong ritwal ng seremonya tsaa at pag aayos ng bulaklak (kilala parin sa tawag na ikebana). Dinudumog pa rin ng milyong hapones ang mga dambanang shinto at templong buddhist. Isinasaayos naman tuwing ika-20 taon ang dakilang dambana sa Ise o kung tawagin ay Ise shrine. Napangalagaan pa rin ang mga Templong Tang na yari sa kahoy. Naging bahagi na ng tradisyong hapones ang arkitekturang halaw mula sa china sa panahon ng TANG.